Recently Added

Basahang Ginto GMA Pinoy TV Show

About Basahing Ginto:

Sa 1950's remake na ito ng classic movie starring Alicia Vergel and the late Pancho Magalona ay siguradong isa na namang kaabang-abang na drama ang maaasahan ng mga manonood. Muling bibigyang-buhay nina Carla at Geoff ang mga tauhan mula sa novela isinulat ni Mars Ravelo noong 1951. Sa istoryang ito ay bibigyan ng kasagutan ang tanong na ito: Alin nga ba ang mas makinang – panlabas na kagandahan o busilak na kalooban?

Gaganap si Carla bilang Orang, isang babaeng pinalaki ng isang pamilyang Aeta matapos siyang masangkot sa isang aksidente. Mapipilitan sila ng kanyang ina na si Ising at ng kanyang kapatid na si Gilay na lumipat sa Maynila mula sa Zambales dahil sa pagpanaw ng kanyang ama habang sinusubukan nitong iligtas ang kanilang lupain. Ngunit pagdating nila sa Maynila ay si Orang ang mapipilitang magtataguyod sa kanyang pamilya, matapos malumpo si Ising dahil sa kanyang pagkabundol.

Makikilala ni Orang si Danny, isang mayamang binata na kahihiwalay lamang sa kanyang nobyang si Sylvia. Sa umpisa ay magiging katulong niya sa bahay si Orang, ngunit makikita niya ang kagandahan nito kaya gagamitin niya si Orang bilang panghiganti kay Sylvia. Paaaralin niya ito at bibihisan hanggang maiharap niya si Orang bilang isang ganap na sosyalera.

Sa kanilang pagpapanggap ay mahuhulog ng totohanan ang loob ni Danny para kay Orang. Samantala, malalaman naman ni Orang ang katotohanan tungkol sa aksidenteng bumago sa kanyang buhay, kung saan kabilang pala si Danny. Alin kaya ang kanyang uunahin, ang maghiganti o ang alamin ang kanyang tunay na pagkatao?

Under the direction of Direk Joel Lamangan, siguradong magiging makulay ang pagbibigay-buhay ng mga batikang aktor sa classic story na ito. Is ana naman itong Sinenovelang aantig at magpapaluha sa mga puso ng mga manonood.



Alternative Video

0 comments

Request Section for YonipZ
Chat.YonipZ