Recently Added

Kaya ng Powers Replay November 06, 2010

Saturday, November 6, 2010

Kaya ng Powers GMA Pinoy TV Show

About Kaya ng Powers:

Ang kuwento ng Kaya ng Powers ay tungkol sa pamilya ni Dr. Robert Powers (Joey Marquez), isang famous scientist na nakadiskubre ng secret formula na puwedeng gawing superhero ang sino man. Ngunit isa-sabotage ng kanyang assistant na si Donald (Bearwin Meily) ang kanyang experiment at ito ay lilikha ng isang explosion.

Makaka-survive ang Powers family sa explosion na ito, but after 15 years ay madidiskubre nilang meron na silang kanya-kanyang extraordinary abilities. Tanging ulo at kamay lamang ang matitira kay Dr. Powers. Si Stephanie (Rufa Mae Quinto), ang kanyang misis, ay maaari lamang ma-regenerate ng kanyang whole body after na mai-recharge ang singsing na nilikha ni Dr. Powers. Si Hillary (Rhian Ramos), ang eldest sa tatlong magkakapatid, ay isang shape shifter at kayang mag-transform sa kahit anumang kanyang mahawakan. Si Shalani naman (Sheena Halili) ay kayang lumikha ng apoy o tubig depende sa kanyang emotions. At si Gustin (Elmo Magalona), ang kanilang bunso, ay merong super strength despite looking like a weakling. At ang mga extraordinary abilities na ito ay ginagamit ng Powers family para sa undercover missions nila sa kanilang lugar.

Dadagdag pa sa pagpapatawa ng Powers family ay ang kanilang mga kasama: si Hilda (Jaya) ang kanilang kapitbahay na curious sa tunay na identity ng pamilya; sina Noy (Enzo Pineda) at Clinton (Rocco Nacino) ang mga masusugid na manliligaw nina Hillary at Shalani at anak-anakan naman ni Hilda; si Eva (Alyssa Alano) ang assistant ni Donald; si Bebe Girl (Diego Llorico) na close friend ng Powers family; si Yaya Alfreda (Dang Cruz), ang personal yaya ni Gustin; at ang cute na si Amphi (Elija Alejo) na ampon ni Hilda.


0 comments

Request Section for YonipZ
Chat.YonipZ